‘Christian Bautista’ arestado sa pambubugaw

ARESTADO ng mga awtoridad  ang isang kapangalan ng sikat na singer na si Christian Bautista  matapos na maaktuhan itong ibinubugaw ang dalawang menor de edad na babae, Martes ng gabi sa Malabon City.

Nakapiit ngayon sa  detention cell ng Malabon City Police habang nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek na   si Christian Bautista alyas Mommy Cristal, 42, ng #5 Asero St., Brgy. Tugatog, nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang menor de edad na may 15 at 17-anyos na umano’y ibinubugaw ng suspek sa kanyang mga parukyano.

Base sa nakalap na impormasyon sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Malabon City Police, dakong 10:30 ng gabi nang maaresto ang suspek sa bahay nito.

Nabatid na bago ang insidente, unang may nagsumbong na residente kay Kapitan Sheridan Abad ng Brgy. Tugatog tungkol sa ginagawang pambubugaw ng suspek.

Agad namang nakipag-ugnayan si Abad sa Police Community Precinct (PCP) 4 ng Malabon City Police at sa DSWD kung saan ay napagkasunduan na isang tanod ang magpapanggap na parukyano.

Mabilisna nakapasok sa loob ng bahay ng suspek ang tanod na inatasang magpanggap na parukyano at habang nakapatong na ito sa murang katawan ng 17-anyos na babae ay agad na pumasok ang mga operatiba.

Hindi na nagawa pang makatakas ng suspek na napag-alaman din na isang bakla na agad na dinala sa himpilan ng pulisya upang pormal na sampahan ng kaso. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply