‘Climate change’ sinangkalan ng DA

INAKUSAHAN ng militanteng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) si Agriculture Secretary Proceso Alcala ng paggamit sa isyu ng “climate change” o pagbabago ng panahon bilang katuwiran upang maikasa ang P96-bilyon public-private partnership projects na itinutulak ng Department of Agriculture (DA) ngayong 2011.

Sinabi ni Fernando Hicap, Pamalakaya national chairman, nangungulit si Alcala kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na payagang mamuhunan pa ang pamahalaan sa imprastrakturang pansakahan upang umano’y malabanan ang extreme weather conditions.

Ani Hicap, “grand promotional blitz” lamang ito ni Alcala upang makontrol ang nasabing malaking pondo.

“When Secretary Alcala submitted his report to Aquino, what he had in mind is the approval of the P96-billion budget for PPP projects his department submitted to Malacañang last year. This is climate change-engineered money,” ani Hicap sa isang press statement.

Nangangamba si Hicap na ibubulsa lamang ng ilang personalidad sa kagawaran ang malaking bahagi ng P96-bilyon pondo para sa PPP.

Hiniling nito kay Alcala na bawiin ang maambisyong panukalang climate change projects. Sa halip, kumonsulta na lamang umano sa rural sectors at iba pang climate change groups para makakuha ng kaalaman sa kung papaanong lalabanan ang patuloy na pagbabago sa panahon. Robert  Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply