Nurses para ‘di samantalahin: ‘Moratorium dapat ipatupad ng CHED’ —Marcos

MAITUTURING na isang dalubhasang propesyon ang pagiging isang nurse.

Siya ang katulong ng mga doktor o dalubhasa sa kalusugan sa pangangalaga ng mga maysakit.  Sa isang komunidad na walang nakatalagang doktor, siya ang isa sa inaasahan ng pamahalaan na
tumutulong sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mahihirap na mamamayan.  Mula panganganak hanggang sa huling sandali ng buhay andiyan ang nurse na nakasuporta.

Maraming mag-aaral ang naghahangad na makatapos ng kursong ito hindi lamang dahil nais makatulong sa kapwa,  isa itong prestihisyosong karera na may katapat na mataas na suweldo lalo na sa malalaking hospital sa abroad.  Hindi nga ba’t maraming ‘nursing graduates’ ang bansa na  imbes na maglingkod sa bayan pagka-graduate, nagkukumahog na makapag-apply sa ibang bansa.  Hindi natin sila masisisi dahil hindi kayang tumbasan ng  pamahalaan ang suweldo na iniaalok dito kumpara sa
abroad.  Kaya napipilitan silang iwan ang Pilipinas at isakripisyo ang pamilya.

Nahaharap ngayon ang ilang mga hospital sa isyu ng ‘pananamantala’ kapalit ng ‘on-the-job training’ (OJT) para mabigyan ng ‘certification’ sa kagustuhan na mabilis na makapag-abroad, bilang isa sa pangunahing ‘requirement’.  Hindi ba’t tila nabababoy ang ating
‘nursing graduates’?

Mga ospital nanamantala?

Sa PSR 166 na inihain ni Sen. Pia Cayetano, isinagawa ang unang pagdinig sa umano’y ‘exploitiver practice’ ng ilang hospital na tumatanggap ng Registered Nurses  at nursing graduates bilang OJTs at walang sapat na kompensasyon sa halip na kunin sila bilang regular na
empleyado.

Naalarma din si Cayetano sa ulat na ang nasabing hospitals ay naniningil ng karagdagang bayad mula sa nurses kapalit sa training, work experience at certifications.

Sa pagdinig, ibinunyag ng  Philippine Hospital Association (PHA) na maraming ospital sa bansa na ginagawang ‘negosyo’ o sinasamantala ang RH nurses at graduates kapalit ng certification para makaipon ng ‘work experience’ para makapag-abroad.

Iginiit ni Dr. Hermogenes Jarin, vice-president ng PHA, na maraming ospital na kaanib ng kanilang organisasyon ang naniningil sa mga nurse kahit na ‘volunteer’ lamang ang kanilang kategorya sa ospital.

“We’re not denying that there are hospitals members that are making money out of these program, these are rotten apples. The good ones are being lumped into a making making institution but let me assure you that those legitimate hospitals that do have training programs are doing their best to really improve and maintain that quality of nursing graduates or nursing personnel professional that we want to maintain,”paliwanag ni Jarin.

Pero naduwag ito sa hamon na pangalanan ang mga ospital na gumagawa ng ‘volunteer for a fee’.

Kasabay nito, itinanggi din niya na sangkot ang kanyang ospital sa ganitong gawain dahil kahit na marami siyang volunteer nurse sa maliit nitong ospital sa Fairview, Quezon City, hindi niya sinisingil ang mga ito sa kanilang pagtatrabaho.

“There should be a quota imposed on nursing schools,”giit pa ni jarin sa pagdinig ng Senado.  Nabahag din ang buntot ng Philippine Nursing Association (PNA), na pangalanan ang naturang mga hospital na isinansangkot sa isyu.

“No one really wanted to give evidence to prove they are doing volunteerism for a fee. I got a few text but when I ask them if I can cite that they don’t want, they are afraid to say anything,”paglalahad ni Dr. Teresita Barcelo, presidente ng PNA.

Umapela naman si Alvin Cloyd Dakis, presidente ng Association of Young Nurses Leaders and Advocates, International, sa kanyang mga kapwa nurse na huwag magbayad sa mga ospital dahil sa lalong lumalakas ang kanilang loob na pagsamantalahan ang mga nurse.

“Stop paying the hospitals because this is illegal,”giit ni Dakis. Idinagdag pa nito na ang work experience ng mga nurse bilang ‘volunteer nurse’ ay hindi kinikilala sa Estados Unidos at kahit na ang ilang ospital sa Pilipinas ay hindi ito isinasama sa work experience ng nurse.

Nangako naman si Cayetano na hindi niya titigilan ang pag-imbestiga sa anomalyang ito upang sa gayon ay mabigyan ng katarungan ang pananamantala ng mga ospital sa mga nurse sa bansa.

Moratorium ipatupad—Sen. Marcos

Bilang miyembro ng Senate committee on health and demography, naniniwala si Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,  na umaapaw ang bilang ng nursing graduates kaya’t sinasamantala ito ng mga tiwaling ospital na kumukuha sa kanilang serbisyo bilang “trainee” o “volunteer” nurse pero walang natatanggap na pinansiyal na pakinabang maliban sa sertipiko ng karanasan.

Sa anaturang pagdinig, iminungkami ni Marcos na dapat ay magkaroon ng placement scheme sa nursing graduates at ipatupad muli ng Commission on Higher Education (CHED) ang moratorium o pagtigil sa pagtanggap ng bagong enrollees sa nursing programs.

“Ano ba ba ang nangyari sa moratorium, hindi ba dapat ay ipinatutupad ito ng CHED? Kami sa Ilocos Norte, nang ako ay gobernador ay ipinatupad namin ito. Kapag hindi natin ito nasolusyunan, lolobo ang problemang ito ay maapektuhan ang kalidad ng ating mga registered nurse,” wika ni Marcos.

Sumang-ayon naman sina Cayetano at  Sen. Antonio Trillanes IV sa opinyon ni Marcos na dapat ipatupad ng CHED ang moratorium sa nursing program at tiyaking maayos at mahigpit itong ipinatutupad sa mga ospital.

Trillanes sa laban ng nurses

Naging ‘star of the day’ naman si Sen. Trillanes sa nasabing pagdinig sa unang pagkakataon nito na makadalo sa pagdinig sa Senado mula nang makalaya nitong Disyembre 2010.

Maaga itong dumating sa pagdinig at gaya ng isang estudyante, handa siya sa ilang mga katanungan sa isyu ng pananamantala ng mga hospital sa pagkuha ng nursing graduates at RN nurses.

Sinopla ng mambabatas  si Jarin sa mga unang pahayag nito na wala siyang alam sa umano’y boluntaryong pagseserbisyo ng nasabing nurses sa mga ospital o bayaran na sa huli’y inamin naman ng doktor.

“Your playing with words here,” diin ni Trillanes kay Jarin.

Sa tanong sa isang panayam, “How do you punish private hospitals?”, ito ang naging mabilis na tugon ng senador, “ We are going to counter check where it is; whether the training is accredited. Our problem here is that nurses would not testify out fear of being blacklisted.

What we intend to do is to stop the problem. And same time, we have to ask private hospital to issue memos to stop this practice.”

Masayang tinanggap nina Sen. Marcos kasama si Cayetano, si Sen. Trillanes sa kauna-unahang pagdalo nito sa pagdinig sa Senado.

“Hindi na tayo maghe-hearing ngayon sa loob ng detention cell,” pabirong wika ni Marcos nang dumating si Trillanes.  Hindi naman napigilang mapangiti  na napangiti ng grupo ng Senate photographers, reporters at resource persons sa naturang pagdinig.

Kasama ng committee on health and demography, kasama din sa naturang pagdinig ang labor, employment at human resources development. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply