‘Picture warnings save lives’—experts

NANINIWALA ka ba na makapagliligtas ng milyong buhay ang isang larawan? O pamilyar ka ba sa kasabihang, “a picture speaks a thousand words.?”

Oo.

Lalo na sa mga hindi marunong bumasa at sumulat.  “Pictures can save lives,” ayon sa health experts.  Kung ipinakikita lamang sa mga kaha ng sigarilyo ang ‘larawan’ (graphic health information) ng nakamamatay na epekto ng sigarilyo gaya ng pangingitim ng baga, nagsusugat na bibig at paa, at iba pa, marahil, tumigil na sa maagang bisyo ng paninigarilyo si Anton, 14, na nakauubos ng dalawang stick sa isang araw sa loob ng 2 taon.

Ayon kay dating Health Secretary Dr. Juan Flavier,  kabilang sa Tobacco Control Group, na nagsusulong ng nasabing kampanya, na sa pinakahuling pag-aaral ng US Surgeon General, ipinakita nito na nalalagay na sa panganib ang buhay ng isang tao sa isang stick pa lamang ng sigarilyo.

Ito ang krusada na patuloy na ipinaglalaban ng grupo upang mailigtas ang bawat isa partikular ang kabataan at mga sanggol sa panganib na
dulot nito sa kalusugan.

Ani Flavier, dapat sana’y noon pang 2008 ipinatupad ang ‘graphic health information’  nang sumang-ayon ang Pilipinas sa ‘guidelines’ graphic health information provision, Article 11 ng WHO-Framework Convention for Tobacco Control (FCTC), subali’t tumanggi ang ‘cigarette companies’ na sumunod sa  ‘international health treaty’.

“Nakadidiri yung mga pictures, parang ayaw ko na magyosi tuloy,”reaksiyon ni Anton nang ipakita sa kanaiyang ang sample ng kaha
na may larawan ng mga panganib na dulot ng paninigarilyo.

Isa sa limang mag-aaral na Pinoy mula sa edad na 13-15 ang naninigarilyo, ayon sa 2007 Global Youth Tobacco Survey.  Patuloy na lumulobo ang kabataan na gumagamit nito. Tinatayang nasa 40 porsiyento ng mga kabataang Pinoy ang di-maawat ang paninigarilyo.

Sa international studies, napatunayan na ang naturang ‘larawan’ ‘drawing’ ay epektibo kesa sa teksto na nakasulat sa kaha ng sigarilyo
sa pagbaba at patuloy na maiwasan ang paninigarilyo.

Sa Canadian research na isinagawa isang taon matapos maipatupad ng Canada  ang ‘picture warnings’ noong 2001, inihayag nito na  31 porsiyento ng ‘smokers’ ang tumigil sa paghitit nang makita ang ‘deadly effects of smoking’.

Ayon sa experts, kung i-a-apply ang parehong ‘statistics’, maisasalba ang buhay ng ‘picture warnings’ ang buhay ng  5-milyon mula sa 17.3 Filipino adult smokers.  “Young people can be discouraged from starting the deadly habit when they see what could happen to them.”

Magugunita, noong Mayo 2010,  nagpalabas  ang Department of Health ng Administrative Order(AO) No. 2010-13, na inuobliga lahat ng ‘cigarette companies’ na maglagay ng ‘graphic health information – images of the deadly effect of cigarette smoking on health on cigarette packs.”  Ang teksto na kasalukuyang nakasulat sa kaha ng sigarilyo na ‘Smoking kills’ at ‘Smoking is bad for your health’ ay patuloy na nakasulat kasama ang naturang larawan.

“The AO is part of the government efforts to follow-through in their commitment to the international health treaty to protect the health and lives of Filipinos from the deadly impact of tobacco-use,” ayon sa
DOH.

“The Department of Health has yet to enforce the order. To prevent the implementation of picture warnings, the tobacco industry filed injunction cases against the AO.”

Petisyon

Nasa 240 Pinoy ang namamatay kada araw mula sa mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo base sa opisyal na talaan ng DOH. “That’s like a jumbo jet crashing every day!  An unparalleled public health crisis!,” ani ex-Health Secretary at Sen. Flavier.

“Tobacco-related diseases comprise 7 out of the 10 leading causes of mortality in the country.”

Nakilala si Flavier sa kaniyang anti-smoking campaign, ‘Yosi Kadiri’ campaign noong 1990 na naging epektibo laban sa paninigarilyo.

Setyembre 2010, kasama ni Flavier ang mahigit 100 petitioners – mga bata,  medical students, at biktima ng paninigarilyo, naghain ng petisyon sa Makati court laban sa tobacco companies.

“The petition urged the court to affirm the authority of the DOH to protect the health and welfare of Filipinos, by requiring health information that would prevent smoking uptake and encourage quitting among millions,” ayon sa grupo.

“If something as simple as a picture can save a million lives, then why can’t the tobacco industry comply?,” tanong pa ni Dr. Flavier.

“It’s commendable that the DOH came up with the AO, but to truly protect and promote the public’s right to health, specially the Filipino children and youth, the department has to enforce it and make the tobacco industry comply,” dagdag pa ng dating kalihim.

Buwis ng sigarilyo taasan

Kumpiyansa si Anton na larawan lamang sa labas ng kaha ay maituturing na matinding dahilan na para tigilan ang paninigarilyo dagdag pa ang taas ng presyo nito.

“Trip-trip lang ang yosi para sa akin (smoking is just a fad for me),” ani Anton. “Ngayon pa nga  lang hirap na akong makahanap ng pambili ng yosi, pag nagmahal pa ito lalong di na ako makakabili.”

“In Congress, tobacco control advocates push for 30 pesos per cigarette pack increase in tobacco excise tax on all types of cigarettes. The most expensive local brand, which Anton prefers will now cost 70 pesos, or at almost 4 pesos per stick – way above Anton’s daily budget.”

“WHO studies show that tobacco tax coupled with picture warnings are the most effective measures in reducing and preventing tobacco use among children, youth and poor Filipinos.”

Story2:  Mga sangkap ng sigarilyo na nakasasama sa kalusugan Ayon sa health experts,  ang isang stick ng sigarilyo ay nakapagdudulot na ng panganib sa katawan ng isang indibiduwal.  Ang isang sigarilyo ay binubuo ng iba’t ibang kemikal na ginagamit sa araw-araw na buhay sa pormanginsecticide o nicotine, ginagamit sa l son (Arsenic) hanggang sa mga kilalang kemikal na nakapagsisimula ng kanser. Ilan dito ay ang nicotine at tar:

Nicotine. Ito ay isang insecticide atherbicide na nakalalason sa nervous system ng isang tao. Pangunahing nakakapagdudulot ng adiksyon sa naninigarilyo. Pinaparalisa nito ang  muscles of respiration o paghinga kapag ito ay inaabuso  nang higit sa kaya ng ating katawan.

Ang taong makalalanghap ng nicotine ay makakaramdam ng pagkairita, pagkagutom at pagbaba ng konsentrasyon.

Ang nicotine na may mahinang konsentrasyon ay isang stimulant na nakapagpapahusay ng kaisipan, konsentrasyon at memorya ng isang tao (helpwithsmoking.com).  Ito ay isang droga na nakapagpapataas ng bahagdan ng dami ng Dopamine, isang neurotransmitter na may kaugnayan sasensation ng sarap at saya, sa ating katawan. Ito ang dahilan kung kaya nakadarama ng sensation ng pagka-relax ang mga gumagamit nito.

Ang nicotine din ay nakakapagpahina ng gana kumain kaya naman ang mga kababaihan na gumagamit nito ay nahihirapan tumigil sapagkat sila’y nangangamba na bigla silang tataba sa paghinto nila nito.

Kahit na kaunting nicotine lang ang pumapasok sa loob ng katawan, may kakayahan pa rin ito na gawing nicotine dependent ang sinumang gumamit
kaya naman napakahirap para sa kanila ang huminto sa paninigarilyo.

Ang mga taong naadik dito ay nakararanas ng mga tinatawag na withdrawal symptoms tulad ng pagkahilo, pagkagalit, at lubos na kalungkutan sa tuwing sinusubukan nilang ihinto ito.

Tar .  Ito ay isa sa mga nagdudulot ng kanser sa mga naninigarilyo. 95% ng insidente ng lung cancer ay nag-uugat sa pagkalanghap ng tar.

Kapag sumobra ang exposure sa kemikal na ito, naninigarilyo man o hindi ay magkakaroon ng malaking posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga. Ito rin ang dahilan ng paninilaw ng ngipin ng isang naninigarilyo. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply