1 patay, 2 sugatan sa MILF-MNLF encounter

ISANGrebelde ang patay habang dalawa ang sugatan makaraang umatake ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Moro National Liberation Front (MNLF) sa Kabacan, North Cotabato, bandang 6:00 a.m., Linggo.

Nakilala ang namatay na si Edsrafel Ali habang sugatan sina Kawag Simbuangan, 45, at Akmad Buhisan, 34. Ang tatlong biktima ay kapwa miyembro 15th council ng MNLF sa ilalim ni Commander Datu Dima Ambil.

Ayon sa report na nakarating kay Supt. Joseph Semillano, chief ng Kabacan police, ni-raid ng ilan sa 100 armadong rebeldeng MILF sa pamumuno ni r Commanders Kineg, Ronnie Zamora, at Gerry Genuine ng  110th Base Command ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), ang MNLF satellite camp sa Sitio Snake fish, Barangay Nanga-an, Kabacan.

Ayon pa kay Semillano , inaalam pa nila kung ano ang nagtulak sa dalawang grupo upang magkaroon ng engkuwentro sa Barangay Nanga-an.

“I was told initially that the deep-seated land conflict between Moro families and the Manobo natives in the area caused the renewed skirmishes in the village. But we have to verify such report,” ayon pa kay Semillano.

Samantala, daang pamilya ang inilikas sa ligtas lugar upang hindi madamay sa naturang engkuwentro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply