10 bahay tinangay ng tubig sa Tondo

TINATAYANG 10 pamilya ang nawalan ng bahay makaraang tangayin ng rumaragasang tubig sa gilid ng creek sa Tondo, Maynila.

Sa insiyal na report, dakong 10:00 a.m nang nagpakawala umano ng tubig ang Merto Manila Development Authority (MMDA) Pumping Station dahilan upang tangayin ng agos ng tubig ang ilang bahay sa gilid ng creek sa Vitas, Tondo, Manila.

Ayon kay Brgy Chairman Norberto Manalad, ng Bgry. 151 Zone 13, bumigay ang mga kabahayan sa nasabing lugar dahil nakatukod lamang ang mga haligi nito sa ibabaw ng putik o burak na gawa lamang sa kahoy o kawayan.

Nabatid na isang  Richard Tranfiguracion ang nasugatan sa nasabing insidente.

Kaugnay nito, maagap na tumulong ang Philippine National Red Cross (PNRC) at ang local na pamahalaan kung saan kasalukuyang nakatigil sa covered court ng nasabing barangay ang mga naapketuhan habang ang iba ay pansamantalang umuwi sa kanilang mga kamag-anak. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply