DOH naghahanap ng 10,000 nurses para sa kanayunan

NAGHAHANAP ng sampung libong registered nurses ang Department of Health (DOH) na magdaraan sa pagsasanay upang makapaglingkod sa mga liblib at mahihirap na mga kanayunan sa bansa.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni DOH Secretary Enrique Ona na tatanggap ng mga aplikante and ahensiya simula Lunes, January 17, para sa proyekto ng departamento na tinawag na Registered Nurses for Health Enhancement and Local Services (RN HEALS).

“The project seeks to make essential health services available to all Filipinos by training and deploying 10,000 unemployed nurses in communities to be identified by the DOH in collaboration with the Department of Social Welfare and Development,” ani Ona.

Ang RN HEALS ay naglalayong punuan ang kakulangan sa skilled nurses sa 1,221 rural communities sa bansa, ayon kay Ona.

Ang mga matatanggap na aplikante ay bibigyan ng buwanang allowance na P8,000 at minimum na P2,000 mula sa local government unit (LGU) na pagsisilbihan ng nurse.

Ang LGU din ang sasagot ng board at lodging ng nurses at siya ring titiyak ng kanilang seguridad at kaligtasan, sabi ni Ona.

“Eventually, these nurses will be part of the pool of competent nurses for later employment or absorption in health facilities, thus addressing the inadequate supply of skilled nurses and increasing the nurses’ employment rate,” aniya.

Para sa mga interesado, maaaring mag-apply online sa DOH. Ang aplikasyon ay hanggang sa February 4.

I-check ang website ng DOH para sa iba pang detalye.

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply