11 volcanic quakes naitala sa Bulusan

NAITALA ang 11 volcanic quakes sa paligid ng  Bulusan Volcano sa Bicol, matapos ang pagbuga nito ng abo.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakakasagabal ang makapal na ulap sa crater at thermal vents ng naturang bulkan upang maobserbahan ang kilos nito.

Wala namang lahar na nakita ngunit nananatili pa rin ang level 1 alert status nito.

Samantala, pinaalalahanan pa rin ng Phivolcs ang mga residente sa northwest at southwest bahagi ng bulkan na mag-ingat sa mga ashfalls na posibleng makaapekto sa kanilang kalusugan.

Binigyang babala rin ang mga civil aviation authorities na iwasang magpalipad ang mga piloto malapit sa bunganga ng bulkan.

Mag-ingat din ang mga residente na malapit sa mga ilog na maaaring daanan ng lahar. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply