12 magkakamag-anak patay sa sunog

PATAY ang 12 katao, habang umaabot naman sa P5 milyon halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog sa Navotas City.

Kinilala ang mga namatay na sina Arvy Agarin, 6 months; Justin Agarin, 3; ang kanilang na si Jennifer Agarin at lolong si William Agarin, Joros Salonga, 12,  Natalie Salonga 11, Angela Salonga 10, Gerald Blancaflor, Carlito Blancaflor, Eric Tambor, George Milagrosa at ang inatake sa puso na si Remedios Ortellana, pawang ng Extension A, Leongson st., Brgy. San Roque, Navotas City.

Batay sa report na isinumite ni SFO3 Domingo Gastilo ng Navotas Fire Department kay Supt. Felix Medes, hepe ng Navotas Fire Department, dakong 11:08 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Milagrosa.

Base sa pahayag ng mga residente sa lugar, malimit nilang nakikitang naglalaro ng posporo ang namatay na si George Milagrosa, may diperensya sa pag-iisip na posibleng pinagmulan ng sunog.

Dagdag pa ng pamatay sunog, hindi kaaagad nila naapula ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay, dahilan kaya nadamay din ang San Roque elementary School.

Agad namang inatasan ni Mayor John Rey Tiangco ang lahat ng concern department ng pamahalaang lungsod na tumulong sa mga nasunugan. Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply