$15-M iuuwi ni Pacman sa May 7

TUMATAGINTING na mahigit $15 million o P660 million na premyo o fight purse ang siguradong maiuuwi ni 8-division world champion Manny Pacquiao, matalo o manalo, sa laban niya kay 5-division champion Shane Mosley.

Ayon sa ulat, $15-M fight purse din ang natanggap ni Pacman sa mga nakaraan nitong laban.

Isiniwalat ni Atty. Franklin Gacal, abogado ni Pacquiao na unti-unti ng naghahanda si Pacman para sa kanyang dalawang buwang training.

Ayon kay Gacal, kung isasama ang pay-per-view sales, papalo  sa $20 million ang magiging premyo ni Pacman.

Halos umabot na umano sa $68-M ang kinita ni pound for pound king sa nagdaan nitong limang laban, kwento ni Gacal.

Sa laban noon kay Oscar dela Hoya, nag-uwi si Pacman ng $15 million, $13 million kay Ricky Hatton at Miguel Cotto fight, $12 million kay Joshua Clottey at ang huling laban nito kay Antonio Margarito ay umaabot ng $15 million ang guaranteed fight purse.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply