16 arestado sa Habal-habal

LABING-ANIM na motorsiklo at drivers ang dinakip ng operatiba ng pinagsanib na puwersa ng Taguig City Hall dahil sa illegal na operasyon ng haba-habal.

Sinalakay ng Traffic Management Office (TMO) na pinamumunuan ni Danny Canaveral at Public Order and Safety Office (POSO) na pinamumunuan ni Noel Dizon, kasama ang pangkat ng Tricycle Regulatory Unit (TRU), Taguig Police Station – Traffic division ang sasakyan na iligal na pumapasada sa Rotonda ng General Santos Avenue, Upper Bicutan, Taguig.

Natuklasan sa naturang operasyon ang maraming paglabag, tulad ng mga motorsiklo na hindi rehistrado, driver na walang lisensya, driver na photocopy ang lisensya o expired Traffic Violation Receipt (TVR) ang hawak.

Ang mga nasabing motorsiklo ay tinanggalan ng mga plaka.

Ang pamamasada ng habal-habal ay itinuturing na mapanganib sapagkat ang mga driver, bukod sa hindi nagdaan sa pormal na pagsasanay sa pagmamaneho ay wala ring insurance.

Ang tuluy-tuloy na sorpresang panghuhuli ng mga awtoridad sa iba’t ibang lansangan ay isa sa mga programa ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa pangungunan ni Mayor Lani Cayetano, kung saan, layunin nitong linisin ang hanay ng transportasyon laban sa mga habal-habal, kolurum na mga jeepney, iligal na terminal, pangungontrata ng mga taxi at mga pribadong kotse. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply