1,853 dakip sa sigarilyo

UMABOT na sa 1,853 katao na naninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Navotas ang nadampot noong nakaraang taon, inulat Miyerkules.

Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, pinagmulta ang mga nahuling naninigarilyo at mas tataasan pa ang multa kapag muling mahuhuli upang magdalawang isip na ang mga ito na magyosi sa mga pampublikong lugar sa lungsod.

“Mahigpit na pinatutupad ang smoking ban sa lungsod dahil na rin sa masamang idinudulot nito sa kalusugan ng tao,” Dagdag pa ni Tiangco.

Nabatid na bukod sa multang P300 hanggang sa P1,000, dadaan din ang mga mahuhuli sa isang seminar.  Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply