Pagkamatay ni botanist Co tukoy na

TUKOY na ng Department of Justice at National Bureau of Investigation (DOJ-NBI) panel ang dahilan ng pagkamatay ng botanist na si Lleonardo Co at ng dalawa niyang kasamahan.

Sina Co, Sofronio Cortez at Julio Borromeo ay napatay sa gitna ng engkwentro sa kabundukan ng Kananga, Leyte habang gumagawa ng pananaliksik para sa Energy Dev’t Corporation o EDC noong ika-15 ng Nobyembre ng nakaraang taon.

Lumabas sa pagsisiyasat ng DOJ-NBI panel na ang balang kumitil sa tatlong biktima ay posibleng nagmula sa hanay ng mga rebeldeng komunista na nakaengkwentro ng mga tropa ng 19th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Batay umano sa trajectory ng mga bala, lumilitaw na ang mga tumama sa mga biktima ay nagmula sa mababang lugar kung saan nakapwesto ang mga rebeldeng komunista at hindi sa mataas na lugar kung saan naroon naman ang mga sundalo.

Dahil ditto, inirekomenda ng panel na mapanagot ang EDC dahil sa kapabayaan na bigyan ng seguridad ang grupo ni Co, gayundin ang mga rebelde na nakaengkwentro ng mga sundalo na ipagharap ng reklamong pagpatay.

Hindi naman pinananagot ang mga militar dahil lehitimo ang kanilang aktibidad sa lugar.

Ang lupon ay binubuo nina Asst State Prosecutor Diosdado Solidum, Asst State Prosecutor Bryan Jacinto Cacha at Atty. Romulo Asis, hepe ng Death Investigation Division ng NBI.

Ibinatay ang findings ng nasabing lupon sa isinagawa nilang ocular inspection, panayam at salaysay ng mga testigo, autopsy report, post mortem investigation findings at reenactment ng pangyayari.  Teresa Tavares

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply