Pulis sinibak ng Ombudsman

DAHIL sa pagi-ingat ng nakaw na sasakyan, sinibak sa serbisyo ng office of the Ombudsman ang isang bagitong pulis ng  Pagudpod, Ilocos Norte .

Sa tatlong pahinang desisyon, inutos ng Ombudsman ang pagsibak sa serbisyo kay  PO1 Ruel Tamargo ng Bangui Police Station sa Pagudpod, Ilocos Norte bukod sa hindi na rin  makatatanggap ng benepisyo ang naturang pulis at hindi na maaring magtrabaho sa alinmang tangapan ng gobyerno.

Sa record ng  PNP Provincial Office ng Ilocos Norte noong Agosto 2006, tumanggap ito ng impormasyon na ang nakaw na sasakyan ay nakitang naka-park sa Brgy. Poblacion 2, Sitio Regta, Pagudpod, Ilocos Norte na nasa pagi-ingat at ginagamit umano ni Tamargo.

Sa kanyang depensa, sinabi ni Tamargo na ang sasakyan ay iniwan sa kanya ng kanyang pinsan dahil may utang ito sa kanya. Pero sinasabi ng tanggapan ng Ombudsman na lumabag sa Gross Misconduct ang naturang pulis na ang katapat na parusa ay pagtatanggal dito sa serbisyo.

Bukod sa administrative sanction, inutos din ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-Fencing Law (PD 1612) ni Tamargo. Santi Celario

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply