2 bata pinagtataga ng amain, todas

PATAY ang dalawang batang lalaki matapos i-hostage at pagtatagain ng kanilang stepfather Lunes ng madaling-araw sa Brgy. Tagbaya, Ibajay, Aklan.

Sa report, kinilala ang mga namatay na biktima na sina Ryan dela Cruz, 9, at Raymar dela Cruz, 12.

Habang nasa provincial hospital ng Kalibo ang sugatan na 5-anyos na tunay na anak ng suspek na kinilalang si Ronnie Lumpak Jr.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Ibajay PNP sa hostage-taker na si Ronnie Lumpak, 44, problema umano sa kanyang pamilya ang dahilan ng kanyang pag-amok dahil sa Brunei nagtatrabaho ang kanyang misis.

Limang araw na umano itong walang tulog dahil parating iniisip ang banta sa kanya ng pamilya ng kanyang misis na papatayin siya ng mga ito.

Samantala, ginagamot din sa Ibajay District Hospital ang suspek matapos magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paghiwa sa kanyang tiyan. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply