2 bebot na big time drug pusher, tiklo

Arestado ang dalawang Big time Drug Pusher na Ginang ng Regional Anti- Illigal Drugs Special Operation Task Group (RAIDSOTG) sa Brgy.  Anabu II-F  Imus , Cavite, hapon ng Miyerkules.

Sa report na ipinadala ni RAIDSOTG Police Chief Inspector Jay Agcaoli sa tanggapan ni Region 4A Chief Supt. Samuel D. Pagdilao Jr., kinilala ang dalawang ginang na si Elissa Camaisa, alyas Isay, 39, at ang hipag nitong si Alizabeth Camaisa, 45, alyas Elsie, kapwa residente sa nabanggit na bayan.

Batay sa insiyal na imbestigasyon ng pulisya, sinalakay ng mga awtoridad ang tahanan ng mga suspek base na rin sa mga reklamo ng mga kapitbahay ng mga ito. Natiyempo namang wala ang tinagurian nilang drug dealer na si Nelson Camaisa, asawa ni Elissa.

Nakumpiska sa mga suspek ang hindi pa malamang dami ng shabu.

Ayon pa kay CINSP. Agcaoli,  matagal na nilang minamanmanan ang pamilya Camaisa na kung saan madulas ang mga ito sa mga awtoridad.

Samantala, pinasalamatan naman ni Cavite Governor Juanito Victor Remulla ang mga tauhan ni Pagdilao sa pagkakaaresto ng dalawang big time na tulak sa lalawigan ng Cavite. Gaynor Bonilla

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply