2 British, Pilipino, mga illegal recruiter umano

MGA akusasyon ng estafa at illegal recruitment ang kinakaharap ng dalawang British citizens at isang Pilipino matapos na umano’y mangolekta sila ng halos P2 milyon mula sa mga gustong maging overseas workers na di naman nai-deploy sa United Kingdom.

Ayon kay Bise Presidente Jejomar Binay, presidential adviser for overseas Filipino workers’ concerns, ang inireklamo ng mga aplikante ay sina Simon John Paice, Nicholas John Vickers, at Bernadette Cerrrudo ng visa consultancy agency NSN Worldwide Advisers.

Nagbayad daw ng P1.7 milyon ang 12 aplikante para sa processing at placement fees sa UK upang makapagtrabaho sila roon bilang domestic helpers, caregivers, o drivers kapalit ng buwanang suweldong P80,000 to P100,000.

Ayon sa complainants, sinabihan sila ng tatlo na madali silang makakarating sa UK sa pamamagitan ng pagkuha ng student visas.

Nang ma-deny ng British Embassy ang visa applications, hiniling ng mga complainant sa ahensiya na ibalik sa kanila ang kanilang pera.

Ngunit imbes na ibalik, hinimok umanong muli ng ahensiya na mag-enroll ang complainants sa panibagong unibersidad sa UK.

Ang mga nagreklamo ay sina Maria Teresa Mangubat, Gregoria Marquez, Anita Bantugan, Leonila Lavarez, Jelen Magpantay, Loan Lipato, Evelyn Espejo, Hazellyn Eugenio, Madelyn Tindungna, Wilma Villamin, Jayson Bolado, at Imelda Medina.

Na-detain sina Paice, Vickers, at Cerrudo sa Camp Crame sa Quezon City matapos silang arestuhin at sampahan ng kaso ng Task Force Illegal Recruitment na nasa ilalim ng Office of the Vice President.

Ang non-bailable case na isinampa noong nakaraang Disyembre 21 ay nasa sala ngayon ni Judge Honorio Lao, ayon kay Binay.

Batay sa preliminary investigation ng Makati Prosecutors Office, lumabag ang mga suspek sa mga probisyon ng Republic Act No. 8042 o ng Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 na pumapatungkol sa large-scale illegal recruitment.

“This is just the start. We will continue to strengthen the Aquino administration’s fight against illegal recruitment and human trafficking,” ani Binay.

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply