2 building nabulabog sa bomb threat

NAGKAROON ng tensyon ang mga emplyado ng isang tanggapan  at ilang residente ng condominium building dahil sa magkasunod na tawag sa telpono na umano’y pasasabugin ito sa magkahiwalay na lugar sa Ermita, Maynila, kaninang umaga.

Base sa report ng Manila Police District (MPD)-Explosive and Ordnance Division (EOD), 7:50 ng umaga kanina nang nakatanggap ang MPD-Intramuros Detachment ng tawag sa  isang lalaki na nagpakilalang “Choi” na umano’y nagtanim ang kanyang grupo ng pampasabog sa 3rd  at 7th floor ng SNL Building, sa Roxas Boulevard sa Ermita, Maynila.

Sa nasabing tawag ay nabanggit umano ng caller na sa kabila ng pagiging miyembro ng isang extremist group ay nakonsensiya siya kaya palihim siyang tumawag.

Agad namang ipinagbigay alam ni  SPO2 Ernesto Andres ng MPD-Intramuors Detachment,ang natagggap na banta sa MPD-Station 5 at sa MPD Headquarters kaya mabilis na narespondehan ang lugar.

Agad ikinordon ng MPD-EOD ang gusali  habang pansamantalang pinalikas nila ang mga umuokupa ng gusali saka inispeksiyon ang lugar.

Nang masigurong negatibo ang tawag, ay agad ding pinabalik ng pulisya ang mga okupante sa gusali.

Samantala, makalipas ang ilang oras ay isa na namang tawag ang natanggap  ng MPD-Special Weapons and Tactics (SWAT)

Ayon sa tawag, isang bomba umano ang sasabog sa ika-33 floor ng Manila Executive Regency Building sa Jorge Bocobo st., Ermita, Manila.

Ang nasabing building ay may 39th kabuuang palapag.

Isang pulang paper bag naman ang narekober ng miyembro ng MPD-EOD sa loob ngelectrical room subalit naglalaman lamang ng electrical wires. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply