2 dedo sa pananambang sa Batangas

UTAS ang magkaangkas sa motorsiklo matapos pagbabarilin sa kahabaan ng diversion road, Brgy. Bolbok, Batangas City, iniulat Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Gem Cascalla at Dexter Papasin, kapwa binata at residente ng relocation site, Brgy. Balete, nasabing siyudad.

Ayon sa report, minamaneho ni Gem ang motorsiklo kaangkas si Dexter kamakalawa nang sabayan ng mga suspek at pagbabarilin gamit ang kalibre 45 sanhi ng agaran nilang pagkamatay.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo mula sa nasabing armas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na may mga nakabimbing kaso ang dalawa hinggil sa pagnanakaw at pagtutulak ng ilegal na droga. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply