Dalawang fetus, sanggol itinapon sa Maynila

DALAWANG fetus at isang bangkay ng kapapanganak pa lamang na sanggol ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila, iniulat Linggo ng umaga.

Unang natagpuan ang  sanggol na babae, na kapapanganak pa lamang na nakabalot sa isang itim na damit pangbabae, bago inilagay sa isang plastic bag.

Ang pangalawa ay tinatayang nasa isa hanggang dalawang buwan na fetus at nakalagay sa isang garapon, habang ang huli ay tinatayang nasa 3-4 buwan at nakalagay sa isang plastic bag.

Sa ulat ng MPD-homicide section, natagpuan ang unang biktima alas-9:30 ng umaga sa gilid ng opisina ng Philippine Star Publication sa Railroad Oca st., Port Area; ang pangalawa ay natagpuan alas-10:30 ng umaga sa kanto ng Dagonoy at Oro sts., Sta. Ana, Manila habang ang huli ay natagpuan ala-1:30 ng hapon sa kanto ng Delfierro at Earnshaw sts., Gagalangin, Tondo, Manila.

Ayon sa pulisya, nagbabasura sina Wenly Nunez at Danilo Titong nang mapansin ang plastic bag at nang kanilang kinuha ay nakita nila ang bangkay ng kapapanganak pa lamang na sanggol.

Isang concerned citizen naman ang nakakita sa garapon na may lamang fetus habang naglalakad sa Sta.Ana kaya agad niya’ng ipinagbigay alam sa kinauukulan.

Makalipas ang dalawang oras, muli na namang nakatanggap ng tawag ang MPD-homicide section mula sa Gagalangin, Tondo hinggil sa natagpuang fetus sa kanilang lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply