2 Gabinete ni P-Noy, lusot ulit sa CA

MULING nakalusot sa kumpirmasyon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang dalawang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III matapos aprubahan ang ad-interim apppointment nina Energy Sec. Jose Rene Almendras at Trade and Industry Sec. Gregory Domingo.

Walang tumutol sa kumpirmasyon ng pagkakatalaga kina Almendras at Domingo matapos inirekomenda nina Sen. Serge Osmena at Rep. Ferjenel Biron ng Iloilo ang aprubal ayon sa pagkakasunod-sunod.

“I am unanimously convinced of the ‘unquestionable qualifications’ of Domingo, a graduate of Ateneo de Manila with a master degree in business administration,” ayon kay Biron.

Pangalawang beses nang naitalaga si Domingo sa gobyerno dahil nagsilbi din siyang undersecretary ng Department of Trade and industry at chairman ng Board of Investments mula 2001 hanggang 2004 sa ilalim ng administrasyon ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa ulat ni Biron, instrument si Domingo sa pagsusulong ng promosyon ng business process outsourcing (BPO) industry sa bansa na siyang lumikha ng mahigit 38,000 trabaho.

Kahit may sinumpaang oposisyon ang inihain ng ilang indibiduwal, nakaligtas si Almendras sa tatlong pagdinig ng komite ng enerhiya sa pamumuno ni Osmeña na tinawag nito ang opisyal bilang  ‘highly-qualified’ para sa pinakamataas na puwesto sa Department of Energy.

“In seven months of his tour of duty at the energy department, the committee was impressed with the deep and wide understanding of the complex issues besetting the energy sector,” ayon kay Osmeña sa kanyang  committee report.

Sa kumpirmasyon nina Almendras at Domingo, umabot na sa anim na miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino ang nakumpirma ng CA kabilang sina Public Works Secretary Rogelio Singson, Agriculture Secretary Proseso Alcala, Tourism Secretary Alberto Lim and Education Secretary Armin Luistro.

Nabigo naman si Defense Sec. Voltaire Gazmin na makuha ang kumpirmasyon ng CA matapos hilingin ni Sen. Alan Peter Cayetano na magkaroon pa ng isa pang huling pagdinig upang linawin ang ilang isyu. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply