2 holdaper todas sa parak

PATAY ang dalawang holdaper habang nakatakas naman ang isa pa matapos makipagbarilan sa mga pulis na humahabol sa kanila matapos takbuhan ang checkpoint sa Sampaloc, Maynila, Huwebes ng madaling-araw.

Inilarawan ang  mga napatay  na nasa edad 35-45, 5’4, may tattoo na pangalang Toto, Piso, Ruben sa kanang hita at ang isa ay tinataya namang nasa edad 25-35, may tattoo sa kanang kamay na “Jerwin” at “Lorbo”.

Ang insidente ay naganap alas 2:50 ng madaling-araw sa Dimasalang bridge, Sampaloc, Maynila.

Ayon kay PO1 James Lagasca, sakay ang mga suspek ng taxi nang takbuhan ang checkpoint sa Lacson st. Sampaloc dahilan para habulin sila nina PO2s Renaldo Olivo at Benito Casauay; PO1s Jaycee John Galutera at Jonathan Acidosa.

Nang makorner, sa halip na tumigil ay pinaputukan ng mga holdaper ang mga humahabol na pulis kaya gumanti ang operatiba, ikinamatay ng dalawa, habang nakatakas naman ang isa pa.

Sa imbestigasyon, ang “Ryan” taxi ay minamaneho umano ng isang Freddie Malbueso nang holdapin ala-1:40 ng madaling-araw sa Banaue st., ng tatlong suspek.

Matapos samsamin ang kita ni Malbueso ay puwersahan siyang pinababa ng sasakyan saka tinangay ang kanyang taxi.

Dahil dito, agad nagtungo si Malbueso sa Galas Police Station para ireklamo ang panghoholdap sa kanya.

Hinala ng mga pulis na posibleng natunugan ng mga suspek na sila ang target sa checkpoint kaya nakipagtugisan sila sa mga pulis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply