2 kahon ng ‘bomba’ pinasabog sa US Embassy

ISANG malaking kahon na pinaghinalaang naglalaman ng bomba ang gumulantang sa mga emplyedo ng Pasay City hall nang pasabugin ang pasabugin ito ng mga tauhan ng Special Weapon and Tactic (SWAT) kaninang hapon.

Ang kahon ay iniwan ng isang mendicant na natutulog sa waiting shed sa likod ng Diplomatic Corp ng U.S. Embassy, F.B. Harrison st., tapat ng Philippine Long Distance & Telephone Company (PLDT) dakong 1:15 pm.

Agad kinordon ng mga pulis ang buong kapaligiran para maprotektahan ang mga nagdaraang commuters at hindi na pinahintulutang dumaan ang kahit anong uri ng sasakyan.

Ayon kay SPO1 Dennis Ang, ng SWAT, kinailangan nilang talian at hatakin ang kahon  at ginamitan ng water charge upang pasabugin.

Sa pagsabog dakong 2:15 pm ay nayanig ang mga gusali sa kapaligiran at lumantad sa tauhan ng EOD-SWAT na pawang mga basura at lumang damit ang laman ng naturan kahon .

Ayon kay Pasay City Chief of Police Supt. Napoleon Cuaton, ang kinailangang pasabugin ang kahon upang maprotektahan ang U.S. Embassy sa pagwasak ng pader na kinalalagyan ng kahon na unang pinaghinalaang naglalaman ng bomba. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply