2 kelot dakip sa paihi

DAKIP ang dalawang lalaki, makaraang maaktuhang sinisipsip ang diesel fuel mula sa isang nakaparadang trak sa Valenzuela kaninang umaga.

Kinilala ni Valenzuela Police, Station Intelligence & Investigation Branch C.Insp. Danilo Bugay ang mga suspek na sina Raul Marcos Garay at Roger Hamto  Ocampo, kapwa ng Pabilonia st., Barangay Isla, nasabing Lungsod.

Sa impormasyon, dakong 11:15 ng umaga nang mahuli sa akto ng mga barangay tanod ng nasabing lugar ang dalawang suspek.

Nagpapatrulya ang mga tanod nang madaanan ang dalawa habang palihim na sinisipsip ang krudo sa tangke ng trak (RCA-667), pag-aari ng negosyanteng si Julieta santos, habang nakaparada sa Angeles Compound.

Modus operandi umano ng mga suspek na magpaihi ng tangke mula sa mga nakaparadang sasakyan at ibebenta naman sa mga kakilalang motorista sa mas mababang halaga.

Kasong pilferage of diesel fuel ang kaharapin ng dalawang suspek. Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply