2 menor-de-edad dinukot ng mga armadong kalalakihan sa QC

SAPILITANG dinukot ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan ang isang dalagita at 15-taong gulang na lalaki makaraang harangin ang sasakyang Mitsubishi Strada at tinutukan ng baril sa Baesa, Quezon City umaga ng Enero 31.

Kinilala ng pulisya ang dalawang tinangay na estudyante na sina Charlene Gene, 9 at Patricio Pascual.

Nabatid na ang dalawang biktima ay nakatakdang ihatid ng driver sa kanilang paaralan sa Lourdes at Saint Theresa dakong alas-sais ng umaga.

Subalit habang binabagtas ng kanilang sinasakyang Mitsubishi na may plakang HJR999 ang kahabaan ng Homewart  Road, Brgy.Baesa ay bigla na lamang silang hinarang ng mga salarin gamit ang isang van na walang plaka at isang back -up  motorcycle habang nakatutok ang baril sa driver.

Mabilis na sumakay ang ilan sa mga armadong kalalakihan at pinaharurot ang sasakyang kanilang tinangay kabilang ang mga biktima patungo sa Fairview.

Dahil dito’y nagsagawa na ng blocking position ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa lahat ng posibleng daanan at lagusan ng mga suspek.James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply