2 miyembro ng robbery hold-up gang arestado

NAARESTO NG ng pulisya ang dalawang suspek na pinaniniwalaang miyembro ng riding-in -tandem robbery-hold-up gang makaraang ireklamo ng kanilang nabiktima , madaling araw ng Biyernes.

Naaresto ang mga suspek na sina Enry Aquisap,22, ng 401 Perla St.Bangkusay ,Tondo Manila at Alexander Liwanag,19, ng 1510 F.Varona St. Velasquez, Tondo Manila.

Inireklamo ni Justine ,16 ,di tunay na pangalan, ang dalawang suspek  na sinamahan ng kanyang ama makaraan itong biktimahin habang binabagtas ang A. Bonifacio st. Cor. Blumentritt sakay ng kanyang Yamaha Mio.

Batay sa ulat ng hepe ng Station Investigation Division ng San Juan City Police na si Police Inspector Danilo Anselmo , hinarang si Justine ng apat na kalalakihan na pawing nakamotor bandang 3:45 am sa naturang lugar kasama ang kanyang kaibigan na nakilalang si Marlon.

Nabatid na isa sa mga suspek ang nagtutok ng  baril na siyang ikinagulat ng biktima kung kaya dali-dali nitong pinaharurot ang kanyang motor papalayo.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang ama kayat inikutan nila para hanapin ang mga suspek kung saan nakita nila ang mga ito na nakatambay sa isang lugar sa may Katubusan at N. Domingo, Bgy Rivera .

Agarang nagsumbong ang mag-ama sa PCP 5 at rumesponde naman sina PO1 Bernard Lucon at PO1 Michael Aquino.

Nagpulasan ang mga suspek pagkakita sa mga pulis ,subalit naaresto agad ang dalawa sa mga ito at naiwan ang  tatlong motorsiklo na gamit ng grupo.

Narekober ang ilang cellphone , bag, at mga dokumento na hinihinalang pag-aari ng mga nabiktima ng mga suspek.

Nabatid kay Police Inspector Anselmo na ang notoryus na grupo ay nagmula sa San Juan City at dumayo lamang sa Tondo upang doon naman mambiktima.  Ben Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply