2 MMDA kalaboso sa boga

DAKIP ang dalawang tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos mahulihan ng mga baril na walang lisensiya sa Caloocan City, Sabado ng gabi.

sa kasong illegal possession of fire arm sina Joselito Saddi, 42 ng Heroes del 96, Caloocan City at Julius Vera, 42 ng Anonas rd., Malabon City.

Batay sa ulat, dakong 5:45 ng hapon, nagpapatrolya ang mga pulis sa Bonifacio Monument Circle ng lungsod nang maispatan ang mga suspek na nakasibilyan at nakabukol sa beywang ang mga baril.

Nang sitahin at hanapan ng papeles ay walang naipakita ang mga suspek na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Nakuha kay Gaddi ang kalibre .38 habang kalibre .45 naman ang nakuha kay Vera. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply