2 patay, 17 sugatan sa pagsabog ng bus sa EDSA

DALAWA ang kompirmadong namatay, habang 15 ang nasugatan at isa ang nasa kritikal na kondisyon nang sumabog ang isang
bus sa North-bound lane ng Buendia/EDSA, Makati Martes ng hapon
Ayon sa ulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Superintendent Nicanor Bartolome,  nasa loading bay ng EDSA, Buendia ang Newman Goldliner aircon bus (DXJ-710) nang biglang sumabog bandang 2:05 ng hapon.

Nabatid na ang bus ay galing ng Baclaran patungong Fairview, Quezon City nang sumabog ang gitnang upuan sa kanang bahagi ng bus.

Ang naganap na pagsabog ay nagdulot ng pagsikip ng trapiko sa Ayala Flyover patungong EDSA North-bound habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa insidente ang awtoridad para mabatid kung bomba ang dahilan ng insidente.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa kinikilala ang dalawang biktima na namatay sa insidente. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply