2 siyudad sa Negros Occidental nasa state of calamity na

ISINAILALIM na sa state of calamity ang dalawang siyudad sa ikatlong distrito ng Negros Occidental na pawang sakop ni Rep. Alfredo Benitez.

Sa isang text message, sinabi ni Benitez na isinailalim na state of calamity ang mga lunsod ng Silay at Victorias dahil sa flashfloods dulot ng walang humpay na pag-ulan.

Ayon pa kay Benitez, umabot na rin sa 14,000 pamilya ang naapektuhan kung saan naglaan na rin ng mga pansamantalang tutuluyan ang mga ito.

“ 14,000 families are affected. Two cities declared under the state of calamities, the  cities of Victorias and Silay,’ ayon sa text message ni Benitez.  Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply