2 sugatan sa tripper

KRITIKAL isa lalaki, habang sugatan ang isa pang kaibigan nito nang pagbabarilin ng sinasabing mga tripper sa loob ng billiard hall sa Navotas City, Martes ng umaga.

Kinilala ng Navotas PNP ang mga biktima na sina Jay Amar, 27,  at Cecilio Imson, 35, ng #583 Gov. A. Pascual Street, Barangay San Roque, nasabing lungsod.

Batay sa report ni PO1 Joseph M. Provido, nangyari ang pamamaril 9:45 ng umaga sa billard hall sa may Kapalaran Street, Barangay San Roque, Navotas City.

Lumilitaw sa report na ang biktimang si Jay Amar at Cecilio Imson ay nakatayo at nanonood ng billiard nang lapitan ng hindi nakilalang armadong lalaki saka pinaputukan bago nagsitakas.

Sapol sa kaliwang dibdib si Jay Amar, habang sugatan naman si Imson.

Patuloy ang isinasgawang imbestigasyon ng pulisya, upang malaman ang motibo sa pamamaril. Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply