2 tune-up games ng Smart-Gilas vs Bahrain

BITBIT ang malaking pag-asa, nakatakdang lumipad sa Linggo ang Smart-Gilas national team para sa kanilang 2 tune-up games laban sa national squad ng Bahrain bilang  preparasyon sa Dubai International Tournament na naka-iskedyul sa Enero 20.

Tangay ng team ang naturalization candidate na si Marcus Douthit habang hinihintay pa ang go-signal ng management ng PBA at Meralco Bolts na magpapahintulot kay Asi Taulava.

Malaki ang kumpiyansa ni Smart-Gilas team coach Rajko Toroman na malalampasan nila ang pangatlong puwestong tinapos noong palaro ng 2010. Nakita nito aniya ang ibayong sigasig ng mga manlalaro at tinatanaw nitong magtutulungan sina Taulava at Douthit sa sentro na kailangang-kailangan ng team dahil ang Dubai International Tournament ay ang pinakamahirap na basketball competition sa Gitnang Silangan dahil bukod sa kada-ball club ay kabibilangan ng 3 imports ang dati ng nagsisilakihan na mga players ng kalabang ball club.

Ang isa pang dating import ng Smart-Gilas na ex-NBA player na si Jamal Sampson ay hindi nakalaro ng husto noong nagdaang taon dahil sa maagang inabot na pinsala. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply