25 buhay, tinangay ng ulan, baha, landslides sa 8 rehiyon

UMABOT na sa 25 katao ang namamatay nitong Miyerkules ng gabi dahilan sa tuloy-tuloy na baha at landslides sa mga probinsiya sa walong rehiyon sa Pilipinas, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa 6 p.m. update nito, sinabi ng NDRRMC na pito sa 25 kataong namatay ay mula sa mga probinsiya ng Surigao del Sur at Agusan del Sur sa Mindanao.

Ang pito ay kinilalang sina: Roberto Rebasora ng Bislig, City, Surigao del Sur; Alberto Rebasora ng Bislig City, Surigao del Sur; Ramil Bobiles ng San Miguel, Surigao del Sur; Felicitas Macuno ng Prosperidad, Agusan del Sur; Roselyn Porras ng Prosperidad, Agusan del Sur; Junmark Castro ng Bayugan, Agusan del Sur; at Ceasar Aquilan ng Sibagat, Agusan del Sur.

Apat naman ang naitalang nasaktan o nasugatan.

Sila ay sina Cherry Lakipon; Elvira Lakipon; Jerry Lakipon; at Jimboy Lakipon.

Ang apat ay pawang taga Brgy. Bolobolod, St. Bernanrd, Southern Leyte.

Samantala, apat na lugar ang idineklara ng gobyernong nasa state of calamity dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at pagguho ng lupa simula pa noong Disyembre 29, 2010.

Ito ay ang Butuan City; mga bayan ng Bunawan at San Francisco sa Agusan del Sur; at ang probinsiya ng Surigao del Sur.

Sa kabuuan, 89,175 na pamilya na o 453,529 katao na sa 568 barangay, 84 na bayan at pitong siyudad sa 20 probinsiya ang naapektuhan ng walang tigil na pag-ulan at pagbaha, ayon sa NDRRMC.

Ayon pa rin sa report ng ahensiya nitong Miyerkules, 1,885 pamilya o 9,088 katao ang nananatili sa 37 evacuation center, samantalang 49 na kabahayan ang nawasak at 59 pa ang nasira.

Tatlong road sections sa Agusan del Sur ang di pa rin madaanan ng kahit anong uri ng sasakyan dahil sa landslide at road slip.

Ito ay ang Butuan City-Talacogon-La Paz Road; Awa-Azpetia-Lianga Road; at Asunción-San Isidro-Laak Veruela Road.

Gayundin, ang Payasan-Los Arcos Road sa Surigao del Sur ay di madaanan dahil sa landslide.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply