26 nawawalang fishermen sa Palawan, ligtas na

NAILIGTAS na ang 26 sa 37 mangingisdang nawala makaraang hatiin ng malakas na alon ang kanilang sinasakyang bangka.

Batay sa panayam ng dzMM kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Lieutenant Commander Armand Balilo, kinumpira mismo ng kapitan ng Bangka ang bilang ng mga nakaligtas habang 11 pa ang nawawala.

Ayon pa kay Balilo, nakapagsagwan pa ang mga mangingisda kahit nahati na ang kanilang bangka at narating ang Pali Island sa Palawan.

Patuloy pa rin ang isinasagawa nilang rescue operation. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply