27 barangay isasailalim sa state of calamity

MANDAUE CITY, CEBU – Aabot sa 27 barangay sa nabanggit na lungsod ang nakatakdang isailalim sa state of calamity matapos bahain ng ilang araw.

Lima sa nabanggit na mga barangay ang grabe ang tinamong pinsala, ang Tipolo, Guiso, Subangdako, Basak at Banilad na ngayonn ay prayoridad sa pagkakaloob ng tulong mula sa distrito ni Congressman Luigi Quisumbing.

Sa panayam ng Remate Tonight sa kanyang district manager na si Jesse Perez, tuluy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan malaking Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Quisumbing ang naka-allocate para sa mga biktima ng kalamidad gaya nitong pagbaha.

Nilinaw ni Perez na prayoridad lamang sa pagkakaloob ng financial assistance ang mga resident eng limang nabanggit na barangay na higit na binaha ngunit bukas sa lahat ang isinasagawang medical assistance.

Ang Cebu ay binaha matapos ang ilang araw na pag-ulan simula noong Martes kung saan maraming estudyante at commuters ang na-stranded.

Inalerto na rin ni Quisumbing ang Vicente Sotto Medical Center at Eversley Child Sanitarium Hospital para sa kanyang constituents na maaaring dapuan ng sakit na dengue at liptospirosis.

Bukas ay nakatakdang mamigay ng school supplies si Rep. Quisumbing sa Basak Elementary School at Mayor Iyas Fortuna Elementary School dahil karamihan sa gamit ng mga estudyante ay nabasa sa pagbaha at malakas na pag-ulan noong Martes.

Sakop ni Quisumbing ang ika-anim distrito ng Cebu na sumasakop sa Mandaue City, Consolacion at Cordova.  Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply