283 baril mula sa mga AWOL nasamsam

TINATAYANG aabot sa 283 service firearms ng mga absent-without-official-leave (AWOL) na pulis ang nasamsam ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) sa walang humpay nito na operasyon simula noong 2008 hanggang 2010.

Ito ang inilabas ng ulat ng QCPD base sa rekord ni District Logistics Division (DLD) chief Supt. Leslie Castillo. Ito diumano ay resulta ng mahigpit na pagpapatupad sa Operational Plan: Bawi sa hanay ng kapulisan.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Benjardi Mantele, sa ganitong pamamaraan ay magagawa nilang i-recall ang mga isyung baril sa mga pulis na hindi na nagbalik ng kanilang mga armas matapos matanggal sa serbisyo.

Ani Mantele, pinipilit ng pamunuan ng PNP na kunin ang atensyon ng mga AWOL na pulis sa pamamagitan ng pagpapadala ng demand letters sa mga ito at tumugon sa kanilang direktiba upang malinis sila sa anumang pananagutan.

Inatasan na rin ni Mantele ang masusing imbestigasyon at pagsasampa ng kasong malversation sa mga pulis na hanggang sa ngayon ay hindi nagbabalik ng inisyung kagamitan ng pamahalaan tulad ng mga baril matapos na maalis sa kanilang posisyon.

Ang mga baril na nasamsam ay kasalukuyang nakalagak ngayon sa QCPD supply office at irere-issue sa mga bagong personnel na matatalaga sa QCPD.  James de Jesus

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply