3 MILF todas sa engkwentro

COTABATO CITY – Patay ang tatlong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) lost command nang makaengkuwentro ng militar sa Maguindanao, Miyerkules ng gabi.

Sa ulat na ipinarating ni Col. Prudencio Asto, 6th Infantry Division (PA) public affairs chief, nangyari ang sagupaan 10:20 kagabi sa pagitan ng tropa ng 7th Infantry Batallion at armadong grupo sa pamumuno ng isang Datukan Montoc Samad, alyas Kumander Lastikma ng MILF Lost Command.

Bago naganap ang mahigit isang oras na palitan ng putok, sinalakay umano ng grupo ni Lastikman ang detachment ng Charlie Company ng 7th IB sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao.

Sugatan naman sa engkuwentro ang isang Corporal Onasis Uy.

Sinasabing natunugan ng mga kawal ng gobyerno ang mga rebelde na naging dahilan sa isang oras na palitan ng putok sa magkabilang panig.

Umatras ang mga rebelde nang dumating ang reinforcement ng 7th IB sa pamumuno ni Col. Domingo Gobway

Si Kumander Lastikman ay nabatid na kaanib ngayon ni Kumander Ameril Ombra Kato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply