3 sundalo patay sa ambush sa Davao

TATLONG sundalo ang namatay makaraang tambangan ng mga hinihinalang New People’s Army sa Davao del Norte, umaga ng Huwebes.

Ayon kay Army spokesman Col. Antonio Parlade Jr., naganap ang pag-atake ng mga hinihinalang rebelde habang naghahanda ang naturang grupo para sa kanilang “peace and development” progam para sa mga residente bandang 5 a.m. sa Barangay Magdum, Tagum City.

Kabilang ang mga biktima sa 3rd Special Forces Battalion Operations ng 10th Infantry Division.

Samantala, hindi pa kinikilala ang mga biktima dahil hindi pa nasasabihan ang kanilang mga pamilya sa naturang insidente.

Nakasakay sa motorsiklo ang mga biktima nang paputukan ang mga ito ng mga umano’y NPA, ayon pa kay Lt. Col. Medel Aguilar, spokesmanng Army’s 10 ID. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply