3 TV networks, patalbugan sa 2011 shows

BAGONG TAON, bagong TV shows mula sa tatlong pinakamalalaking TV networks ng bansa — GMA, ABS-CBN, at TV-5, not necessarily in that order.

Patalbugan sa mga new, exciting shows ang tatlong stations na ito na ang talagang makikinabang ay tayong mga televiewers.  Come to think of it, ang bilis na talaga ng turn-over ng mga shows sa telebisyon ngayon, Three months lang ay bago na uli, unlike before na ‘pag patok, eh umaabot ng taon.

‘Yung iba nga, kapag palpak sa ratings at di tinatangkilik ng advertisers, babu na agad sa ere, mereseng wa pang one season (13 weeks).

Anyway, unahin natin ang Dos.  Inaabangan ang bagong Kapamilya teleserye na Green Rose, remake ito ng hit Korean series of the same title. This stars Anne Curtis, Jake Cuenca, and Jericho Rosales, at kasama rin si Alessandra de Rossi.

Bubulagain tayo ng bagong tandem sa TV nina Robin Padilla at Bea Alonzo na magsasama for the first time sa teleseryeng Guns and Roses, with Ejay Falcon and Empress Schuck. Exciting ito dahil kundi man sa pelikula, eh at least, magkakasama si Binoe at Bea, two big stars, sa isang teleserye.

Sa ayaw at sa gusto ng Kimerald fans, isang bagong love team in the person of Gerald Anderson and Jewel Mische ang ilulunsad sa publiko via the shows Bagwis at Buhawi Jack. Matatandaang galing sa GMA si Jewel, pero nang maburo, ang Dos via Star Magic ni Mr Johnny Manahan, ang susugal to give her a second shot to stardom.

Para naman sa reality programs lovers, ABS-CBN offers Pilipinas Got Talent Season 2, The Biggest Loser: Pinoy Edition hosted by Megastar Sharon Cuneta, at ang cooking show na Junior Master Chef hosted by Judy Ann Santos.

Balik-game show hosting rin si Kris Aquino sa Pinoy franchise ng The Price is Right.

-oOo-

SA Kapuso network naman, hataw rin ang sunud-sunod na new shows nila.  Super promote rin ang istasyon sa pamamagitan ng nakaka-enganyong teasers ng new shows na ito na in all fairness, eh ang husay ng gumawa ng teasers, far beyond sa teasers na ipinapalabas nila the previous years.

Una nang eere in the coming days ay ang Dwarfina, ang “pinakamaliit na bida” ay si Heart Evangelista, na talagang hindi papabayaan ng GMA no matter what.  Pasok sa cast sina Dennis Trillo, Angelika dela Cruz, Iwa Moto, Janice de Belen, etc.

Very proud sina Heart at Dennis dahil ang Dwarfina ang pambuena manong handog ng GMA ngayong 2011. Ganoon rin ang buong crew ng direktor na si Mike Tuviera.

Kung lumipat man si Jewel Mishe sa Dos, nabigyan naman ng bonggang breaks as leading ladies in primetime sina Ryza Cenon at ang kontobersiyal na si Bella Padilla, dahil sila ang partners ni Aljur Abrenica na siya namang gaganap sa makabagong Machete.

For us, its about time na bigyang-pansin muli si Ryza na winner naman ng StarStruck ng GMA, at nakakaarte naman ito.  Si Bella naman ay galing Dos at hindi home grown talent like Ryza, pero lahat naman ay may espasyo sa showbiz.

Then there’s I Heart You Pare, ang new rom-com series ng two of the biggest Kapuso stars na sina Dingdong Dantes and Regine Velasquez na bago ikinasal ay humataw sa paglagare ng tapings ng show, para walang istorbo sa honeymoon nila ng asawang si Ogie Alcasid.

Lastly ay ang Captain Barbell na muling tatampukan ni Richard Gutierrez. Wala pang identification ng apat na makakalaban ni Chard sa serye, pero ang isa sa mga narinig namin ay si Bianca King.

-oOo-

OVER at TV-5, hindi rin magpapadaig ang Kapatid network na talagang umarangkada noong 2010, dahilan upang “mabulabog” ang ilang shows ng mga kalabang istasyon.

Nandiyan ang pagbabalik-telebisyon ng Iskul Bukol, ang sitcom nina Tito, Vic & Joey sa IBC-13 na tumagal sa ere ng 11 years (1978 to 1988). Wala pang confirmation, pero balitang sina Ryan Agoncillo, Sam YG, at Kean Cipriano ng Callalily ang cast.

Ang TV-5 rin ang nakakuha ng Philipine franchise ng American reality show na Extreme Makeover Home Edition. Napapanood namin ang US version nito, at malaking bagay ito sa mga pamilyang Pinoy na ime-make over ang kanilang mga bahay with new appliances, interior design, etc.

Ngayong 2011 ay magiging active ang pagkoco-produce ng Viva Films ni Boss Vic del Rosario with TV-5.

Ang mga Viva classic films na ire-remake ay ang:  Bagets (Aga Muhlach, William Martinez, Raymond Lauchengco, JC Bonnin, at Herbert Bautista); Humanap Ka Ng Panget (Andrew E);  P.S. I love You (Sharon Cuneta at Gabby Concepcion);  at Ang Utol Kong Hoodlum (Robin Padilla at Vina Morales).

Sa Utol Kong Hoodlum, makakasama ni JC De Vera ang baguhang si Jasmine Curtis na younger sister ni Anne na under Viva Artist Agency na rin tulad ng ate nito.

Then there’s the remake of Babaeng Hampaslupa (Maricel Soriano).  Bibigyan ng break sa drama department si Alex Gonzaga na mas kilala bilang host and comedianne. Ito rin ang comeback vehicle ni Alice Dixson na based na sa Florida, USA.

Gagawan ng TV adaptation ng Singko ang dalawang komiks novels ni Carlo J. Caparas, ang Bangis at Limang Daliri ng Diyos. Nagsimula na rin noong Disyembre ang Star Confessions na true stories ng mga showbiz personalities, hosted by Cristy Fermin.

Pabonggahan na lang ang labanan niyan with the three biggest networks with their new shows ngayong 2011!

For feedback, please email us at mell_navarro@yahoo.com.ph. Mell Navarro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply