300 kabahayan nasunog sa Davao, 1 patay, 5 sugatan

ISA katao ang namatay habang lima ang nasugatan makaraang masunog ang 300 kabahayan sa isang residential area sa Davao City, madaling-araw ng Sabado.

Batay sa inisyal na report ng dzBB, nakilala ang nasawi sa kaniyang apelidong Bautista na nakulong sa kanyang bahay, samantalang isinugod sa malapit na hospital ang limang nasaktan na hindi pa pinapangalanan.

Nabatid sa ulat na bandang 3:00 a.m. nang magsimula ang sunog sa Brgy. 31-D, sa mismong bahay ni Bautista. Naapula lamang ang apoy bandang 6:00a.m na nang umaga.

Kasalukuyang inaalam pa lamang ng mga imbestigador kung ano ang sanhi ng sunog. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply