320 mag-asawa tumanggap ng tig-iisang sakong bigas

NASURPRESA ang may 320 mag-asawa na nakilahok sa ginanap na mass wedding ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng  Taguig nitong nakaraang buwan nang ihatid sa kani-kanilang bahay ang isang sakong bigas bilang regalo ng pamahalaan.

Magugunita na pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang seremonya sa “Kasalang Bayan” noong December 8 na ginanap mismo sa  Taguig City University (TCU) auditorium, Barangay Upper Bicutan.

Ang pamamahagi ng bigas ay bahagi ng pagtugon sa pangako ni Cayetano na ipadadala sa bahay ng mga ikinasal na magsing-irog ang isang sako ng premium rice na nagkakahalag ng P1,700.

Nitong nakaraang buwan, naglibot si ang alkalde sa mga basketball court at gymnasium sa bawat barangay upang mamahagi ang 150,00 grocery bags para sa mga kapos palad na resident eng lunsod.

“Malaking tulong na rin ito sa amin dahil sa mahal ng bigas ngayon,” pahayag ni Nimfa Ortazu, isa sa nabiyayaan.

“Nagtitinda lang kami ng asawa kong si Renato ng mga pang-meryenda sa palengke,” ani Ortazu.  “Mahigit dalawang buwang konsumo rin namin yan kasama ng nag-iisang anak naming tatlong taong gulang pa lang.”

Ang mass wedding at rice distribution ay bahagi ng proyekto ng Civil Registry Office, kaagapay ang General Services Office (GSO) at Public Order and Safety Office (POSO). Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply