3rd place sa Vietnam Chess isinukbit ni Gomez

NAKAANGAT sa tie break points si Filipino Grandmaster John Paul Gomez para tumapos ng ika-3 puwesto sa 1st HD Bank Chess Championships sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Nakalikom si Gomez ng 6.5 puntos kagaya ng natumpok nina GM Le Quang Liem at GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam, GM Zhou Weiqi at Xiu Deshun ng China.

Pormal namang kinuha ni GM Yu Yangyo ng China ang titulo matapos din ungusan sa tie break points ang kanyang kababayan at fellow 7 pointers GM Wen Yang.

Sa katunayan, may pagkakataon sanang tumapos si Gomez ng solong ika-1 puwesto o kasalo sa kampeonato subalit hindi pinalad na manalo at kinapos kay GM Nguyen Ngoc Truong Son sa ninth at final round.

Sa iba pang kaganapan sa final round, tabla si GM Yu Yangyi kay GM Le Quang Liem habang nagwagi naman si GM Wen Yang kay FM Nguyen Doc Hoa ng Vietnam.

Panalo din si GM Roland Salvador kay GM Tu Hoang Thong ng Vietnam at IM Oliver Barbosa kay Wang Cheng ng China para makatumpok sa 6 points kasama sina IM Lou Yiping at Lu Shanglei ng China.

Ang kampanya ng RP chess team sa Vietnam ay suportado ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) President/ Chairman Prospero “Butch” Pichay Jr. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply