4 mangingisda nailigtas, 3 pa missing

TATLO pang mangingisda ang nawawala makaraang lumubog ang sinasakyan nilang bangka habang nasa laot, apat naman ang pinalad na makaligtas, iniulat Miyerkules ng umaga.

Pawang mga-taga Mercedes, Camarines Norte ang mga nawawalang sina Nestor Banswelo, 50, isang alyas Bunoy, 40 at isang Alyas Tatang, 60.

Pinalad namang makaligtas sina Renato Royo del Rosario, 46, Ronaldo Obligasyon Riscal, 32, Jeferson Rosca, 32 at Aldrin Estoria Rin.

Ayon sa report, dakong 9:00 ng umaga patungo sa laot sa pagitan ng Balisin Island, Perez at Barangay Dapdap, Sta. Elena, Camarines Norte ang isang grupo ng mangingisda mula sa bayang ito nang mamataan ang mga nakalutang na bagay.

Nang lapitan ay nakita ang mga biktima kaya dali-dali nilang iniligtas.

Nang makausap, sinabi ng mga nakaligtas na alas dos ng umaga malapit na umano sila sa baybay ng Dapdap nang hampasin ng malaking alon ang kanilang bangka dahilan upang tumapon ang mga biktima sa laot. Gaynor Bonilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply