4 mayor kinasuhan ng Ombudsman

SINAMPAHAN ng kasong kriminal ng Office of the Ombudsman ang apat Municipal mayors at iba pang local officials ng Luzon sa Sandiganbayan.

Ito’y matapos ipag-utos ni Ombudsman Ma. Merciditas Gutierrez ang pagsasampa ng kasong Malversation of Public Funds at Anti Graft and Corrupt Practices Act laban kay Mayor Faustino Alandy Silang ng Tayabas, Quezon, Malversation of Public Funds laban kay dating Mayor Bernardito Abapo ng Milagros,Masbate, Falsification of Public Documents by Public Officers two counts laban kay Mayor Leoncio Kiat ng Echague, Isabela, one count laban kay Mayor Florante Raspado ng Jones, Isabela, one count bawat isa laban kina Bgy. Chairpersons Raymundo Claro, Armenio Verdadero, Heherson Dulay, Rogelio Lorenzo, Sr., Benjamin Santiago Sr., Federico Serafica at Miguel Ramos, habang kinasuhan naman ng 21 counts sina Dir. Venancio Santidad ng Procurement, Supply and Property Management Service, Dept. of Transportation and Communication (DOTC) at seven counts laban sa private individual  na kinilala sa pangalang Robert Ngo.

Sa 16 pahinang resolution, si Silang ay kinasuhan dahil sa umano’y pagbulsa sa P331,735 na bahagi  ng P1 milyon na nakuha ni Silang sa Presidential Management Staff (PMS) sa ilalim ng “One Town, One Product, One Million” program ng pamahalaan.

Ang naturang programa ay bilang loan extended sa munisipalidad para lending to micro, small and medium enterprises (SME) na may  interest lamang na 6% per annum.

Subalit ang naturang halaga ay hindi umano naipamudmud sa mga nangangailangan.

Samantala si ABAPO ay inutusan na kasuhan ng Malversation of Public Funds dahil umano sa unliquidated cash advances na nagkakahalaga ng P26,509,594 mula sa January 2002 hanggang December 2004.

Habang inirekomenda naman na kasuhan ng Falsification of Public Documents by Public Officers sina  Kiat, Raspado, Claro, Verdadero, Dulay, Lorenzo, Santiago, Serafica, Ramos, Santidad, at Ngo dahil umano sa “ghost delivery” ng  21 units na  Mitsubishi Delica Vans sa Isabela noong  2003 na ang bawat unit ay nagkakahalaga ng  P360,000, may kabuuan halaga  na P7,560,000. Santi  Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply