4 parak kinasuhan sa Ombudsman

SARI-SARING kaso ang kinakaharap sa Office of the Ombudsman (OMB) ng apat na pulis at dalawang iba pa.

Ayon sa report, mga kaso ng pagpatay, reckless imprudence, adultery at paglabag sa anti-violence against women and children ang kinakaharap nina Police Chief Insp. Perfecto Abrazaldo Awid at Teofilo Ortiz Jr., ng Riverside, Kolambogan, Lanao del Norte, ng murder at Frustrated Murder.

Sa report, pinatay umano ng dalawa ang isang Joel Apigo at tangkang pagpatay naman sa kinakasama nitong si Evelyn Millan at dalawa nilang anak.

Napag-alaman din ng OMB na may sabwatan sa pagitan nina Awid at Ortiz sa naganap na krimen.

Sa iba pang kaso, kinasuhan naman ng Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries at Reckless Imprudence Resulting to Damage to Property si P/Supt. Wilbert Clarin Sr ng Davao Oriental Police Provincial sa Brgy. Dahican, Mati City.

Ayon sa complainants na sina Geraldine at Angelito Ortizano, aksidenteng nabangga ni Clarin ang kanilang tricycle noong  July 3, 2007.

Binayaran umano sila si Clarin ng P35,000 bilang pampagamot ngunit hindi umano ipinagawa ang kanilang tricycle na ginastusan naman nila ng P49,806.24.

Samantala, nakaganti naman ang asawa ni PO3 Ranillo Limbo ng Tambo, Lipa City matapos itong kasuhan ng Adultery o pambababae.

Ang nagdemanda ay  si Max V. Gener, asawa ng umano’y babae ni Limbo na si Aida Balaue-Gener.

Ani Gener, habang nagtatrabaho siya sa Middle East noong September 2005 ay nabuntis umano ni Limbo si Aida.

Sina Limbo at Aida ay naninirahan noon sa tahanan ni Gener na hindi niya nalalaman.

Kinasuhan din si SPO4 Abdurakman Nul ng Paquibato District, Davao City paglabag sa Section 5 (e) of Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) dahil sa hindi pagsuporta sa kanyang asawa at mga anak.

Ayon sa asawa niyang si Lorena, inabandona sila ni Nul noong 1996 nang makisama sa ibang babae. Nenet Villafania

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply