4 patay, 4 sugatan sa salpukan ng 2 sasakyan

KASONG reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injuries at damage to properties ang isinampa laban sa isang Maranao na bumangga sa isang motorsiklo, ikinamatay ng apat katao sa Brgy. Linangcayan, Naawan, Misamis Oriental.

Kinilala ang namatay na mag-asawa na sina Warfe at Mary Jane Caagatan, gayundin ang isang Rex Tagbo at driver ng motor na si Joel de la Pena.

Sa imbestigasyon, nangyari ang salpukan ng Toyota Hilux na minamaneho ng suspek na si Raffy Adap Hadji Amad, ng Lanao del Sur nang mag-ovetake sa naunang sasakyan sa nasabing lugar.

Ayon kay P/Insp. Peter Tahor, hepe sa Naawan Police Station, dahil sa sobrang bilis ng takbo ni Amad ay hindi nito namalayan na may kasalubong itong motorsiklo.

Maliban sa mga nasawi, may apat pang mga pasaherong sugatan kung saan kritikal ang isang Angeline Hamiodinoga.

Napag-alaman na noong nakaraang linggo, head-on coalition din ang inabot ng isang jeep at ten wheeler truck sa syudad kung saan sa pinakahuling ulat ay umabot na sa anim ang patay at patung-patong na kaso naman ang isinampa ng pulisya laban sa dalawang driver nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply