44 opisyales ng NCRPO sasailalim sa HR training

UPANG higit na makatiyak sa pagdisiplina sa mga tauhan ng pulisya, isasailalim sa tatlong araw na pagsasanay ukol sa karapatang pangtao ang 44 na mga opisyal ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Isasagawa ang pagsasanay sa PNP Training School sa Camp Crame, Quezon City para sa mga Chief Regional, District at Station Police Human Rights Officers na may ranggo mula police senior inspector (captain) hanggang police superintendent (lieutenant colonel).

Isasailalim sa muling pag-aaral at pagsasanay ang mga opisyal sa mga aplikasyon ukol sa “Human Rights and Policies” na nilalaman ng Konstitusyon at United Nations Principles and Declaration on the Convention of Human Rights.”

Iginiit ni NCRPO chief Director Nicanor Bartolome sa naturang mga opisyal na pangunahan ang pagtupad sa karapatang pantao sa kanilang tungkulin upang tularan ng kanilang mga tauhan.

Pangungunahan ni PNP Human Rights Affairs Office (HRAO) acting chief Senior Supt. Leon Guinto ang pagsasanay.

Nakatakdang isailalim  sa naturang pagsasanay ang lahat ng imbestigador sa lahat ng units, distrito at istasyon upang maibigay ang tamang karapatang pantao sa mga iniimbestigahan na suspek at mga biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply