5 pulis sinibak ng DILG

Sinibak ng Department of Interior and Local Government ang limang pulis kung saan tatlo sa mga ito ang sangkot sa droga.

Batay sa report ng dzBB,  pinirmahan ni DILG Sec.  Jesse Roberedo ang dismissal ng limang hindi pinangalanang mga pulis.

Nabatid pa kay  Robredo na ilalabas din ang mga pangalan ng mga naturang pulis ngunit hindi pa sa ngayon.

Dagdag pa ni Robredo, walo pang mga pulis ang tinitutukan ngayon at nanganganib na masibak sa serbisyo. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply