500 kilo ng buffalo meat, kinumpiska sa Maynila

NAKUMPISKA ang mahigit 500 kilo ng buffalo meat sa Blumentritt Market, Maynila makaraang sopresang mag-inspeksyon ang Veterinary Inspection Board (VIB) kagabi.

Ayon kay Dr. Joey Diaz, Veterinary Head ng Manila Special Meat Squad,  ang naturang karne ay hindi maituturing na botcha dahil hindi naman ito double dead na karne ngunit ito ay isang hot meat pa rin  dahil hindi dumaan sa matinding inspeksyon ng isang accredited na slaughter house.

Dagdag pa ni Diaz, mataas ang posibilibad na maging peligro ito sa kalusugan ng kakain kahit hindi ito maituturing na botcha.

Siniguro ni Diaz na susuriin ang mga nakumpiskang karne at kung mapatutunayang walang sakit, maaari itong i-donate o kaya naman ay ibaon sa lupa. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply