53-anyos mister, niratrat, todas

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang 53-anyos na lalaki matapos paulanan ng bala habang naglalakad pauwi sa Cavite, iniulat Linggo ng hapon.

Kinilala ni PSupt. Danilo Buentipo, ang biktima na si Leonardo Canlas Lingal, binata, ng #225 Via Perea st. Barangay 29, A Ronquillo, nasabing lalawigan.

Agad namang nakatakas ang hindi nakilalang suspek, matapos ang pamamaril.

Sa imbestigasyon, alas-6:50 ng Sabado ng gabi nang maganap ang insidente.

Naglalakad pauwi ng bahay ang biktima nang bigla na lamang harangin ng hindi nakilalang suspek saka pinagbabaril.

Nang makitang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek, habang agad namang isinugod sa pagamutan ng mga nakasaksi sa pamamaril ang biktima, pero hindi na umabot nang buhay.

Narekober sa lugar ng insidente ang anim na basyo ng bala at isang slug ng cal. 45 pistol.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply