53 patay sa pagsabog sa Iraq

TINATAYANG 53 katao na ang namamatay habang 142 na ang naitalang nasugatan  sa magkahiwalay na pagsabog sa  Baghdad,  Iraq.

Isang car bomb ang sumabog sa isinasagawang funeral ceremony na isinasawi ng 48 at  ikinasugat ng  121 katao kung saan marami ring sasakyan ang nadamay.

Nabatid na isang suicide bomber umano ang nagmaneho ng nasabing car bomb at ipinarada sa labas ng tent kung saan nagtitipon ang mga taong nakikipaglibing.

Dahil dito,  mahigpit nang ipinatutupad ang curfew at isinara ang mga daan papasok sa pinangyarihan ng pagsabog.

Samantala, naitala naman ang  limang nasawi sa pagsabog ng bomba sa isang minibus at itinanim na roadside bomb habang 21 ang sugatan.

Pawang mga Shiites ang naging target ng naturang mga karahasan. Walang grupo na umaako sa responsibilidad ng pambobomba. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply